<body>
<body>

MR. BRIGHTSIDE


name:arvin jay manalo
birthday:08-11-90
age:15
sign:leo
likes:you
dislikes:you
ImgDump.net


LABYRINTH & ZEPHYR

for my birthday:
devotional notebook
poetry book
laptop
digicam
eyeglasses

for my life:
stronger faith
enlightment
spiritual growth

MEN & WOMEN & NATURE

Blog Visitors
  • arvin
  • (O_o)
  • jonell
  • paurong
  • jheanne
  • say you love me
  • efer
  • my hopes are so high
  • kevin
  • utakgago
  • ck
  • nerdy transformation
  • paeng
  • rewind to the past
  • junfestin
  • imagine life
  • akkhi
  • keep it down while i sleep
  • rin
  • blue phoenix
  • potpot
  • addicted to retro
  • sayote queen
  • ang blog ni sayote queen
  • czar
  • saving me from myself
  • cai
  • thoughts and feelings deep within me
  • mish
  • buhay soloista
  • mikmik
  • demolishers
  • yna
  • magbago ka na
  • jochie
  • adeek life
  • achoo
  • achoo's thinking aloud
  • yookay
  • meet u.k. the unknown
  • marhgil
  • kukote in a jar
  • kristine
  • ako at sila
  • vieira
  • clueless in her own world
  • pam
  • a butterfly spreads its wings

    CLOTHES BASKET

  • july my first blog


  • WHISPERS & ECHOES



    Tuesday, August 01, 2006

    Unang Araw Sa Buwan Ng Agosto

    [alpha]


    alas-dose.
    agosto na.
    unang araw kong magsulat sa pangalawa kong blog na ito. maaaring ang nakaraang buwan ay panahon lang ng pagpapakilala ko sa aking sarili, kung sino talaga ako, kung ano talaga ako at kung paano talaga ako.
    sa tingin ko naman, labis ko nang naipakilala ang ARVIN JAY FABUL MANALO na nagbuhos ng pagod at panahon para sa inyong sumusubaybay sa buhay ko, sa buhay niya at sa buhay ng mga taong nakapaligid sa akin. nais ko pang ipaalam sa inyo kung paano ako nabubuhay sa kamalian na ngayon ay unti-unti na NIYANG iwinawasto.
    asahan ninyong labis ko pang ihahatid sa inyo ang mga pangyayari sa buhay ko na maaari kong sabihing magiging gabay sa iba pang buhay. mangyari sana na huwag kayong magsawa sa pagbabasa. nais ko lang talagang makapaghatid sa inyong lahat ng katuwaan, kalungkutan, aral, inspirasyon at kalibangan.
    alam kong hindi ako perpekto para magsalita ng ganito. pero sana lang ay maintindihan niyo ako. ayaw ko lang na mangyari sa inyo ang mga kamalian na naranasan ko. ang gusto ko, mamuhay kayo sa magandang pamamaraan. sa ngalan NIYA.
    kung may nasasagasaan man ako ay mangyaring magsabi lang sa akin. hindi ako sinuman para hindi kayo pakinggan. lahat ng tao sa paligid ko ay tao sa buhay ko.
    hindi man ako kabilang sa mundo, ako pa rin ay nasa mundo.
    sana'y maliwanag sa inyong lahat ang dahilan ng pagsusulat kong ito. sana naman ay magkaroon ako ng karapatan para mailagay ko dito ang lahat ng nais ko. huwag kayong mag-alala, iniisip ko kayong lahat.
    malaman niyo rin sana na kayo ang dahilan ng lahat ng ito.

    [daily horoscope]

    Every day matters, but today could be pivotal. You're reaching a critical point.


    [entry]

    hanggang sa ngayon, kulang pa rin ako sa tulog. hindi pa kagandahan ang gising ko ngayong umaga. lintik pang ulan yan, nakigulo pa. pero sa kabila nito, maaga akong nakapasok ngayon. pagdating ko sa clasrrom ay nag-ayos lang naman ako ng basa at halos bagsak ko nang buhok. nang magsimula na ang klase at dumating na si ginang herrera, nasindak ang lahat sa galit nito. marumi, masalimuot at magulo na naman ang room namin. napagbuntungan pa ng galit niya ang mga class officers namin. at si abby na late. pagkatapos maglinis ng room, akalain mo ba namang pinagdasal ang isang myembro ng unholy alliance, si sigat. nako. payaso. balatkayo. sa mapeh naman, words of wisdaom naman ang inihatid sa amin ni maam lising tungkol sa pagka-solid daw ng section namin. sayang daw at hindi namin nagawang manalo sa cheerdance competition gawa ng mga pagkakamali, at isa na ako doon. napag-alaman din namin ni bri na sa august 17 pa pala ang next level ng intrams sa basketball. nabanggit din niyang ang sps niya ang makakalaban namin ng 5 on 5 kung magawa daw naming pumasa. nako, ang mga taong bato. si jomar...ika nga ni bri. habang nag-uusap-usap naman sila, nakatulog ako. nagising na lang ako nang magpapaalam na si maam. nang makalabas siya, nagpatuloy pa rin akong matulog. nagising na lang ako ng napuna ako ni mamm jagmis. tinatanong niya kung masama daw ang pakiramdam ko, dapat um-oo na lang ako. kasi sabi ko inaantok lang ako. nako talaga. sayang. lusot na sana. pinapunta kami ni gaon kay sir pascual para kausapin ito. bago kami pumunta doon, nagrecess muna kami sa neptali. nang makarating naman kami sa room ni sir, may klase siya kaya hindi na kami tumuloy. pinakuha rin sa akin ni maam jagmis ang payong niya sa opisina niya. nadatnan ko doon ang masungit na secretary ng principal. nagtetelebabad yata. hindi nga ako pinapansin. nako. napadaan din kami sa room ni sir paja at nabanggit niya sa akin na isa daw ako sa natatandaan niyang hindi umattend sa klase niya noong byernes. "arvin...the damage has been done."..."isa tayong democratic country kaya magagawa ko ang gusto ninyo at magagawa ko rin ang gusto ko.". ano namang pinahihiwatig ni sir? mga ngiti pa niya, nakakaloko. mukha pa naman akong sabog sa tulog, buti na lang at hindi ako nabad-trip sa kaniya. pagbalik namin ng room, binigay sa akin ni max ang lyrics at chords ng "all i need is you" na aming magiging special number para sa fellowship next friday. absent si sir pache kaya nagkaroon na naman ako ng oras para gawin ang theme papaer sa filipino at para na rin matulog. sakto namang nagising ako nang paparating na si maam aniana. nerbyoso na naman ang lahat. lahat kasi kami ay walang autobiography na maipapasa. kasi naman, kailangang 3 pages at back-to-back pa. when disaster strikes nga naman oh. katulad pa rin ng dati, overtime na naman ang english namin. sa ad chem, walang ginawa kundi idiscuss ang boiling at freezing point. para ngang buong 1st grading ay yun lang ang aming topic. nagkwentuhan lang kami ni bri habang nagdidiscuss kahit na nagpaparinig na si maam cristy. syempre, tungkol na naman sa mga babae niya at tungkol na rin sa babae ( 1 ) ko. pagkatapos nun, natulog si bri at gayun din naman ako. nagising ako nang nakatingin si maam sa akin. ako lang yata ang napansin niyang natutulog. pagkatapos, bumalik kami sa room. may mga nagsabi naman na wala si sir g kaya marami na rin ang umunang umuwi. ako naman, kundi pa niyaya ni papa dex na magpunta sa presby, hindi ko pa gagawing umalis sa school at magpatuloy na lang sa paghihintay kay SIYA_ _ _. hindi ko pa kasi SIYA_ _ _ nakikita. sa presby naman, nagpractice kami ng praise and worship. hindi ko na tinangkang gamitin ang antigong electric guitar kaya nag-bass na lang ako kasi wala naman si max at saka parang walang buhay ang tugtugan. bigla namang dating ni max kaya bumaba na lang ako. nakipaglaro ako sa adik naming drummer na si pao. ang table tennis namin ay nauwi sa pagshusoot ng pimpong ball sa lalagyanan nito. para kaming mga ewan. tapos naman, nakipagkwentuhan kami ni jonell kay ate baby. nako...tungkol kay SIYA_ _ _ at biruin niyo ba namang nauwi ang usapan namin kay homer. nako. basta, ang dami naming napag-usapan. nang bigla akong tinawag ni sheila at pinakausap kay kuya tim. akala ko kung ano na. pinagagawa niya lang pala ako ng caricature nina kuya pops at ate bay kasi yun na yung gagawing gift para sa birthdays nila. nagfoodtrip ng tasty at kape. tae! sumakit ang tiyan ko dahil sa kapeng yun. lagpas 7:30 na nang umuwi kami. kasabay namin sina max at pao, na mukhang umaaligid kay kareen. nanlibre pa nga ng pamasahe. menos sais tuloy ako. sa jeep, si pao at kareen lang ang nag-uusap at kami naman nina max at sheila, sila ang pinag-uusapan. nako. link? bumaba sina pao at max lamapit sa fashion circle. tae talaga si kareen. mukhang ang saya-saya niya hah! ano namang ibigsabihin nun? naghihiwahiwalay na kami sa palengke. umuwi ako.

    nako naman. lumipas ang araw na ito nang hindi ko man lang SIYA_ _ _ nakikita. kasi naman eh. no choice ako kundi magpractice na lang. iniisip ko pa ein hanggang ngayon kung anong kahihinatnan ng buena manong ito sa buwan na ito. nasimulan ko kasi ang buwan ng pagiging antukin at hindi SIYA_ _ _ nakikita. nako. huwag naman sanang maapektuhan ang mga darating pang mga araw. huwag naman sana. huwag sana. huwag. sana. huwag.

    [other entries]


    labyrinth

    free me from this labyrinth,
    that you invented with all of guile.
    rise me to the lucid surface,
    and relent the lost of air for a while.

    and so ai feel the zephyr.
    it touches my lips, my eyes, my soul.
    i promise you not to err,
    to lie, to cheat, unacceptable.

    free me from this labyrinth.
    can't stand to see the girn of tour real.
    i want to feel the zephyr.
    and really be freed from this labyrinth.






    Connecting Histories

    Jukebox

    Playlist Dedicated to SHARYL

    Grandfather's clock


    Countdown Also For SHARYL