<body>
<body>

MR. BRIGHTSIDE


name:arvin jay manalo
birthday:08-11-90
age:15
sign:leo
likes:you
dislikes:you
ImgDump.net


LABYRINTH & ZEPHYR

for my birthday:
devotional notebook
poetry book
laptop
digicam
eyeglasses

for my life:
stronger faith
enlightment
spiritual growth

MEN & WOMEN & NATURE

Blog Visitors
  • arvin
  • (O_o)
  • jonell
  • paurong
  • jheanne
  • say you love me
  • efer
  • my hopes are so high
  • kevin
  • utakgago
  • ck
  • nerdy transformation
  • paeng
  • rewind to the past
  • junfestin
  • imagine life
  • akkhi
  • keep it down while i sleep
  • rin
  • blue phoenix
  • potpot
  • addicted to retro
  • sayote queen
  • ang blog ni sayote queen
  • czar
  • saving me from myself
  • cai
  • thoughts and feelings deep within me
  • mish
  • buhay soloista
  • mikmik
  • demolishers
  • yna
  • magbago ka na
  • jochie
  • adeek life
  • achoo
  • achoo's thinking aloud
  • yookay
  • meet u.k. the unknown
  • marhgil
  • kukote in a jar
  • kristine
  • ako at sila
  • vieira
  • clueless in her own world
  • pam
  • a butterfly spreads its wings

    CLOTHES BASKET

  • july my first blog


  • WHISPERS & ECHOES



    Sunday, August 06, 2006

    UPCAT...The DAY and NIGHT with HER

    [daily horroscope]

    A confusing situation will make sense today when a missing piece falls into place.

    [entry]

    haay nako...nagising ako kanina ng 5:45 na. biruin mo ba namang hindi ako ginising ng mga tao sa bahay kahit alam nilang may exam ako ngayon. nako. nagmadali ako syempre. what a record, 15 mins. lang, nakaligo na ako at nakapagbihis at nakaalis ng bahay. 6 sakto nakaalis ako. sobrang nagmamadali talaga ako. 6:30 kasi ang time ng exam ko. habang nasa byahe, pray ako nang pray. paano ba naman, late na talaga ako. kainis! dumating ako ng u campus mga 6:40 na. dapat magpepedicab ako hanggang eng'g. bldg. kaso ayaw magpapasok ng mga lintik na pulis. tinakbo ko. todo takbo. buti na lang at bukas pa yung gate. waaaaaaaa. akala ko talaga mawawalan na ako ng chance na makapag-test. buti na lang at nag-work si God. galing! humabol na lang ako sa pagfi-fill up ng exam form. tapos nagtest na nga kami...

    tae! gipit ako sa oras. kahit sabihin mong kakaunti lang yung items ng ibang subjects, hindi ko pa rin magawang magmadali. mahirap na kasi kapag nagkamali. tae! ang hirap talaga! halos matuyo na nga utak ko. halos dumugo na rin ang ilong ko. at halos magluha ng bato ang mga mata ko. buti na lang at nakasurvive ako. natapos ang exam sa exact time. nung lumabas kami ng melchor hall, para kaming mga house mates ng pbb. pang-3 ako lumabas ng hall. daming tao sa harap ko. para nga kaming mga stars. bwahahah. lakas mag-ilusyon eh noh? hanep!

    tapos yun, naglibot-libot uli ako. mag-isa na naman ako. as usual. wala akong nakita nung unang ikot ko. hinahanap ko kasi sina jonell at mhadz. tapos nung dapat pauwi na ko, may biglang tumawag sa pangalan ko. si dia pala, kasama sina jeff at echo. tumambay naman kami dun sa malapit sa palma hall. sa damuhan. tapos nagyaya na silang umuwi. ako naman, hinanap ko yung bldg. ni jonell. pagdating ko naman doon, nakapasok na silang mga nakapila. nako. wala na. nag-epti na lang ako at umuwi. nung pagbaba ko ng katipunan, nakita ko na naman sina jeff at echo. nakisabay na rin ako pauwi. sumakay pa uli kami ng byaheng ligaya-pasig. naghihiwa-hiwalay na rin kami pagkatapos nun.pumunta ako ng presby para magpahinga. nanood din kami ng concert ng united sa taas. tapos pinakain ako ng lunch ni ate baby. bait niya talaga! sobra. dun niya pa nga ako pinakain sa table nila ni rea. nakakahiya! tapos nagbababasa siya nung mga message namin doon sa caricature na gift namin sa kaniya. haay. natats yata siya. heheheh. nung mag-3-3 na, nagpaalam na ako. sabi ko uuwi na ko. tumakas kasi ako ng practice ng praise and worship kasi nga pupunta pa ako ng church nila SIYA_ _ _. kaya yun. mga 3:25 yata ako nakarating doon. sakto nga. nagsimula na yung service. nang bigla ba namang may dumating na dalawang ghetters (ghetto) yippy yoh yippy yeh. alam ko nang si ej yun. yung dati ring pumunta sa church nila bago pa ako. nako. tahimik lang naman ako buong service. konting usap lang kasi kausap niya rin yun. waaaaaaaaa. nice. first sunday nga pala ngayon. akala ko sa presby lang ginagawa yung communion na yun, pati pala sa kanila. malamang, christian. bawi-bawi din naman yung hindi ko pag-attend ng sunday worship sa presby. may test nga kasi ako. ang ganda ng message ni pastora. wow talaga! ang galing niya! tungkol sa last days... haaay. pagkatapos ng service, pinakilala niya ko dun sa dalawa. nako. nananadya? wala lang. para lang akong patay na bata. tapos tumagal kami sa hagdan kasi nag-usap pa sila, habang ako naman, nagbabasa-basa sa bulletin board nila. dumating yung mama niya. yun. nag-hi. buti na lang at umuwi na yung dalawa. tinanong niya ako kung uuwi na ba daw ako. sabi ko bahala siya. nagpapakwento kasi SIYA_ _ _ tungkol sa mga nangyari this past few days na hindi kami nagkakita. pumasok ulit kami. tapos, nagkwentuhan ng kung anu-ano. sinabi ko sa kaniya yung dahilan ng hindi namin pagkikita. sched kasi, kainis! pinagawa niya rin sa akin yung lettering para doon sa portfolio niya. sabi pa niya, hindi na raw niya tatapusin yung next service, hanggang p & w lang daw. kaya yun. nagbihis SIYA_ _ _. tapos nagpaalam na kami sa mama niya. nung nasa baba na kami. nagkwentuhan pa rin kami sandali. tapos nung papauwi na kami, bumanat ako na ihahatid ko na SIYA_ _ _, wala na rin naman akong gagawin. kaya yun. nung nasa jeep na kami, kwentuhan na naman. gusto nia daw pumuntang up. inaya ko naman SIYA_ _ _. syempre. nung nandoon na kami sa kanila, hindi na niya ako pinapasok sa bahay nila. siguro dahil kay ate dev. magkagalit kasi sila. haay nako. imga reasons nga naman oh. tapos, pumunta kami kanila pia pero pagdating namin dun, wala pa sila. balik kami sa kanila. tapos, bigla ba namang may tumawag sa amin, yun na nga, sina pia pati si renren (kilala eh noh?). tapos yun. nagkwentuhan tungkol sa upcat. tapos, gusto niya daw talagang pumuntang up. binati niya na naman ako ng haberdey. tinatanong niya daw ako kung pang-ilan daw SIYAng bumati sa akin. nako. tapos, biglang umambon. pinapauwi ko na SIYA_ _ _ kasi baka maulana pa SIYA_ _ _. eh ang kulit. pasasakayin daw muna niya ako. nagtalo pa kami nang sobrang tagal. ang tagal talaga. nung tinext na SIYA_ _ _ nung kuya niya kung nasaan na SIYA_ _ _, yun na, sabi ko umuwi na SIYA_ _ _. ayaw pa rin. nakakahiya daw kasi malapit lang yung bahay nila tapos hindi niya pa daw ako pasasakayin. pero natapos din naman ang pagtatalo namin. tinawid ko SIYA_ _ _ sa kabilang kalsada. tapos ako pasakay na. nagpaalam na ako sa kaniya, pati SIYA_ _ _ sa akin. para kaming ewan doon. bye bye nang bye. heheheh. asus. God bless din daw. wow naman. may care nga ba talaga sa akin? tanong ko lang....sana.

    ang saya talaga ng araw ko,. kahit pagod na pagod na ko physically and mentally, gumanda pa rin naman ang araw ko. salamat sa'yo. thank God talaga! meaningful ang araw na ito para sa akin. sobrang meaningful. kapag sunday nga naman. holy. blessed day ko na yata ang sunday. waaaaaaaaaaa.

    glory to God!





    Connecting Histories

    Jukebox

    Playlist Dedicated to SHARYL

    Grandfather's clock


    Countdown Also For SHARYL