<body>
<body>

MR. BRIGHTSIDE


name:arvin jay manalo
birthday:08-11-90
age:15
sign:leo
likes:you
dislikes:you
ImgDump.net


LABYRINTH & ZEPHYR

for my birthday:
devotional notebook
poetry book
laptop
digicam
eyeglasses

for my life:
stronger faith
enlightment
spiritual growth

MEN & WOMEN & NATURE

Blog Visitors
  • arvin
  • (O_o)
  • jonell
  • paurong
  • jheanne
  • say you love me
  • efer
  • my hopes are so high
  • kevin
  • utakgago
  • ck
  • nerdy transformation
  • paeng
  • rewind to the past
  • junfestin
  • imagine life
  • akkhi
  • keep it down while i sleep
  • rin
  • blue phoenix
  • potpot
  • addicted to retro
  • sayote queen
  • ang blog ni sayote queen
  • czar
  • saving me from myself
  • cai
  • thoughts and feelings deep within me
  • mish
  • buhay soloista
  • mikmik
  • demolishers
  • yna
  • magbago ka na
  • jochie
  • adeek life
  • achoo
  • achoo's thinking aloud
  • yookay
  • meet u.k. the unknown
  • marhgil
  • kukote in a jar
  • kristine
  • ako at sila
  • vieira
  • clueless in her own world
  • pam
  • a butterfly spreads its wings

    CLOTHES BASKET

  • july my first blog


  • WHISPERS & ECHOES



    Thursday, August 10, 2006

    TRYOUT...BURNOUT

    1 na ako nakauwi. dumaan muna ako ng shop at doon, napagtripan lang naman ako. mukha daw kasi akong busabos nung dumating ako. hindi na kasi ako nakapagpalit ng damit pantulog doon. nako talaga. nagmadali naman akong umuwi kasi papasok pa ako. alam kong wala na akong maabutan kaso kailangan talaga, may tryout pa kasi ng 3. mga 2:30 ako nakaalis sa bahay. pagdatnig ko ng school, labasan na ng mga lower sections, mga 1st and 2nd year. dumaan muna ako ng gym para tumingin, kaso wala pa, wala pa kasing 3. so pumunta ako ng room. eh nandoon pa si sir pache. pasilip-silip ako doon na parang ewan. hinintay ko pa silang matapos bago ko makapasok. kung hindi ko pa ipasabi kay pam at pj na iexcuse na yung mga kasali sa tryout, mas matagal pa sana akong tatayo doon. nakita ko rin si clara. umakyat siya sa 5th floor. tinawag niya ako mula doon. hindi ko naman pinansin. wala lang. ayoko lang. ayoko lang talaga mamansin nung oras na yun. tapos, nakalabas na ang iba pang mga kasali. ako naman pabihis pa lang. inipon kaming lahat sa bleachers sa gym. tapos ginrupo yung mga pointguards, shooting guards at forwards. nasama ako sa mga shooting guards. nung unang nakita ko SIYA_ _ _ sa loob ng gym kasi bigla na lang nawala. siguro nasa dance room. naglaro na kami. kalaban namin yung mga halimaw na varsity. shooting guard nga ang pwesto ko pero ako pa rin ang nagpoint guard. paano ba naman ayaw hawakan ng point guard namin yung bola. nako. parang wala lang yung laro namin.pero binigyan pa kami ni maam lising ng isa pang chance. ipakita na raw namin ang best namin. so yun. isang laro pa ulit. kami-kami na lang. inaayos ko na. at nakuha naman ako. kasama ako sa team ng 4th year na lalaban sa inter year level sa 17. nung palabas na ako ng gym, nakita ko nga SIYA_ _ _ sa dance room. naglilinis sila. nagtaasan lang naman kami ng kilay. basta yun na yun. nagbihis ako sa room. nandoon sina myks, edmar (na nakipagkwentuhan sa akin for the first time), si tinay at si maan. nag-aya silang bumili sa labas. halos maka-4 akong fruit soda dahil sa sobrang pagod. nadehydrate nga yata ako eh. tapos bumalik na kami sa room. sinabi sa akin ni tinay na kinakausap daw ako ni clara pero hindi ko naman daw pinansin. ang tino ko raw kausap. nagalit daw yata si clara. tapos sabi ko hindi ko naman siya napansin. malay ko ba. tumambay pa kami sandali sa room bago sila mag-aya ng uwian. sinabi ko sa kanila na hihintayin ko pa SIYA_ _ _. tumambay muna ako kanila ate flor, sa hi-point. mga 10 mins. naman, lumabas na ang mga varsity. kasunod na rin sila. tumawid sila sa side ko. dumaan sila. hindi nila ko napansin. tumawid na lang ako. pauwi na sana ako nun kaso tinawag ako ni niƱa at tinawag din ako ni SIYA_ _ _. konting usap lang. tinanong niya ako kung bakit ako umabsent. nagpaliwanag naman ako. nakita pa kami ni kuya timmy. pauwi na rin SIYA_ _ _ nun. sabi ko sa kaniya ihahatid ko na SIYA_ _ _. sabi niya hindi na lang. haay nako. malas. pasakay na SIYA_ _ _ nun nang bigla ba naman niya akong inaya..."tara...ano?". nako. ano namang ibigsabihin nun? sa jeep, nagkaroon ako ng time para makausap pa SIYA_ _ _. tinanong ko SIYA_ _ _ kung anong mga test nila para bukas. parehas lang pala ng sa amin. sabi ko magreview SIYA_ _ _ pero sabi niya naman tatapusin niya pa yung portfolio niya, 2. tinanong ko naman SIYA_ _ _ kung maitutulong ako. meron sana kaso hindi namin alam kung paano ko magagawa yun kasi pauwi na SIYA_ _ _. sabi ko sa kaniya huwag lang SIYA_ _ _ masyado magpupuyat. hinatid ko SIYA_ _ _ hanggang dun sa labas nila. natatakot daw SIYA_ _ _ kasi baka daw nandoon papa niya. kasi nung niloloko daw nila ng ate niya yung papa nila na pupunta daw ako sa kanila next week, hindi raw pumayag. waaaaaaa. nako. bigla ba namang dating ng papa niya. "speaking", sabi niya. nag good evening lang ako. ewan ko ba kung paano ko nasabi yun, bigla na lang. nautal kasi ako eh. hindi na rin ako nagtagal doon kasi nandoon na papa niya. nagpaalam na ako sa kaniya. "bye....magpahinga ka na....huwag ka na masyado magpupuyat....". umuwi ako nang pagod na pagod. masakit ang mga hita at binti. may tama pa ako sa bandang tuhod.
    gusto ko sana SIYA_ _ _ yung una kong makita bukas at SIYA_ _ _ yung unang bumati sa akin. gusto ko SIYA_ _ _ yung magbigay sa akin ng inspiration para sa buong araw. ewan ko lang kung mangyayari yun. haaay. mga pangarap nga naman. bahala na. hindi ko pa rin maisip kung anong pwedeng mangyari bukas. ahh basta. bahala na si God dun.
    (kasalukuyan akong nagco-countdown para sa pagsapit ng alas-dose.)




    Connecting Histories

    Jukebox

    Playlist Dedicated to SHARYL

    Grandfather's clock


    Countdown Also For SHARYL