<body>
<body>

MR. BRIGHTSIDE


name:arvin jay manalo
birthday:08-11-90
age:15
sign:leo
likes:you
dislikes:you
ImgDump.net


LABYRINTH & ZEPHYR

for my birthday:
devotional notebook
poetry book
laptop
digicam
eyeglasses

for my life:
stronger faith
enlightment
spiritual growth

MEN & WOMEN & NATURE

Blog Visitors
  • arvin
  • (O_o)
  • jonell
  • paurong
  • jheanne
  • say you love me
  • efer
  • my hopes are so high
  • kevin
  • utakgago
  • ck
  • nerdy transformation
  • paeng
  • rewind to the past
  • junfestin
  • imagine life
  • akkhi
  • keep it down while i sleep
  • rin
  • blue phoenix
  • potpot
  • addicted to retro
  • sayote queen
  • ang blog ni sayote queen
  • czar
  • saving me from myself
  • cai
  • thoughts and feelings deep within me
  • mish
  • buhay soloista
  • mikmik
  • demolishers
  • yna
  • magbago ka na
  • jochie
  • adeek life
  • achoo
  • achoo's thinking aloud
  • yookay
  • meet u.k. the unknown
  • marhgil
  • kukote in a jar
  • kristine
  • ako at sila
  • vieira
  • clueless in her own world
  • pam
  • a butterfly spreads its wings

    CLOTHES BASKET

  • july my first blog


  • WHISPERS & ECHOES



    Monday, August 14, 2006

    arvin&maan anniv...(supposed to be)

    [entry]
    late na ako pumasok. as in late. maglulunch na ako nakarating sa school. eh nandoon pa si sir pache. tumambay muna ako sa canteen by the gym. hinintay ko silang matapos. nagu-unit test pala sila. nako naman! tapos habang nakatayo ako doon, may biglang papalapit. si jonell pala. hindi ko siya napansin nung una. tapos inaya ko sa siyang maglunch kasi gutom na gutom na ako. tae kasi. wala na ngang gumising sa akin, wala pang pagkaing makakain. tae talaga sa bahay! nung english naman, chineckan lang naman ang periodical test namin. naka-46 ako gayundin naman si jonell. 49 lang naman ang highest. hindi raw inaasahan ni aniana na ganon kababa ang highest namin. nako talaga yun! nag-ad chem. nagkwentuhan lang naman kami ni mhadz sa likod ng lab. hindi kami nakinig kahit na sinita na kami ni maam cristy. natapos ang subject nang wala akong napakinggang lesson. dumiretso kami sa avr para sa tle. pero kinailangan pa naming bumalik sa room para manghiram ng shoecover. bumalik. nagperiodical test. tae. madali nga pero nagkakamali pa rin ako. para kasing sure na ko sa mga sagot ko pero mali pala. 51 out of 60 anng nakuha ko. highest pa. nako. not deserving yung score ko para maging highest. si jonell naman, natataranta na sa paghahanap ng nawawala niyang test paper. bumalik kami sa room. nagtanong-tanong ako tungkol sa project sa tle na akala ko ay individual, by group pala kaya hinayaan ko na si dayday na gawin yun. nakita kong natutulog si jonell. ginising ko para ayain na siyang umuwi. palabas na kami ng gusali nang masalubong namin SIYA_ _ _ kasama sina allan, aryan at rovee. (ano ba talagang spelling ng rovee/rovey?). ewan. may practice daw ng folk. nako. papauwi na dapat ako naharang pa. kaya yun, sumama ako at si jonell naman, nauna na. nagpractice nga kami sa dance room. tinikling pala ang sasayawin. at sa thursday na. nako. ganyan daw talaga sa rizal high. matagal na ang 2 weeks preparation para sa mga ganong bagay. ang tagal ng practice namin. nakakapagod talaga. maipit-ipit pa nga ang mga paa ko sa mga kawayan. pero ok lang. at least kasama ko na SIYA_ _ _ pagdating sa sayawan. hindi ko pa alam kung sino ang kapartner ko. basta hiwalay nagpractice ang mga boys sa girls. natapos ang practice at lumabas na kami ng gym. kasabay namin si rovey. naghiwahiwalay na lang kami nung nasa presby na. sila clara, may sarili pa yatang lakad. may kasama kasi siyang isang boylet. ewan ko kung sino yun. papunta pala SIYA_ _ _ sa church nila. sumabay SIYA_ _ _ sa akin. turn naman daw niya na magbayad ng pamasahe namin. nako. turn turn pa eh noh. napag-usapan namin yung tungkol dun sa PDL. sabi ko sa kaniya, sa wednesday, checheckan na yun ni kuya popeng. kailangan nang may maumpisahan kami. lagot. tapos bumaba na SIYA_ _ _ sa kapasigan. nasanay na ako. sa pagtingin sa kaniya habang papalayo na SIYA_ _ _. naisip ko lang. ako pala ang lumalayo. nakasakay kasi ako. haaay.
    umuwi ako sa bahay at nagbihis lang. kumain. pumunta sa shop. naisip ko ang dapat kong gawin para hindi na ko malate sa pagpasok. parang kahapon lang kasi napagkasunduan naming wala nang malelate. wala rin pala. late din pala SIYA_ _ _ kanina. nako. ang naisip ko lang, dapat matulog na ko bago ako magpunta ng shop. tapos, mga 12 pupunta ako, hanggang mag-umaga na. at least makakatulog ako at hindi pa ko malelate. tama kaya ang gagawin ko? nako. try ko lang kung epektibo ba o hindi.
    sana lang.
    [other entry]
    yung tungkol naman sa title ko, wala lang. naalala ko lang na 14 pala ngayon. kung hindi kami nagbreak ni maan, sana, 1 year na kami. nako. ibalik ba daw? ang dami kasing bumati sa amin. para bang tumatak na sa isipan ng mga kaibigan namin yung relationship naming dalawa. tapos sabi pa sa akin ni mhadz, ang cool cool daw namin kahit wala na kami. haaay. nakakatuwa naman sila. ang ganda daw kasi makita na parang wala lang nung nagbreak kami. sabi ko naman may naging impact din sa amin yun. ang ibig pala nilang sabihin, wala daw kaming ilangan sa isa't isa. oo nga naman. nag-agree ako. kaya yun. naalala ko lang talaga. 1 year. supposed to be. ganon siya kameaningful sa akin. hanggang ngayon. special pa rin siya sa akin. kahit anong mangyari, hindi ko siya makakalimutan. mahal ko pa rin siya. pero sa ibang kadahilanan at paraan. pasensya na at siguro iniisip niyo na naman na napakagulo ko. sorry sa mga nasasagasaan. pero wala lang ito. gusto ko lang ilagay ito kasi natutuwa ako. alam ko naman na masaya na siya ngayon. kahit alam niya na hindi ako masaya para sa kaniya ngayon. basta magulo. bahala na. kung saan siya masaya...




    Connecting Histories

    Jukebox

    Playlist Dedicated to SHARYL

    Grandfather's clock


    Countdown Also For SHARYL