<body>
<body>

MR. BRIGHTSIDE


name:arvin jay manalo
birthday:08-11-90
age:15
sign:leo
likes:you
dislikes:you
ImgDump.net


LABYRINTH & ZEPHYR

for my birthday:
devotional notebook
poetry book
laptop
digicam
eyeglasses

for my life:
stronger faith
enlightment
spiritual growth

MEN & WOMEN & NATURE

Blog Visitors
  • arvin
  • (O_o)
  • jonell
  • paurong
  • jheanne
  • say you love me
  • efer
  • my hopes are so high
  • kevin
  • utakgago
  • ck
  • nerdy transformation
  • paeng
  • rewind to the past
  • junfestin
  • imagine life
  • akkhi
  • keep it down while i sleep
  • rin
  • blue phoenix
  • potpot
  • addicted to retro
  • sayote queen
  • ang blog ni sayote queen
  • czar
  • saving me from myself
  • cai
  • thoughts and feelings deep within me
  • mish
  • buhay soloista
  • mikmik
  • demolishers
  • yna
  • magbago ka na
  • jochie
  • adeek life
  • achoo
  • achoo's thinking aloud
  • yookay
  • meet u.k. the unknown
  • marhgil
  • kukote in a jar
  • kristine
  • ako at sila
  • vieira
  • clueless in her own world
  • pam
  • a butterfly spreads its wings

    CLOTHES BASKET

  • july my first blog


  • WHISPERS & ECHOES



    Sunday, August 13, 2006

    LUCKY 13 LOVELOTS

    9 na ako nagising kanina. nako. hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako sa sunday service o hindi na lang. hindi ko rin kasi alam kung may balak SIYAng pumunta doon ngayon. pero dahil sa kagustuhan kong umattend, umattend ako. past 10 na ako nakarating doon kasi namalantsa pa ako ng susuotin ko. nagmadali na ako kaso traffic talaga. wala akong magawa. nung pagdating na pagdating ko dun, sabi sa akin ni kuya lucas na nasa taas na raw yung ininvite ko. nako. alam na. SIYA_ _ _ na yun. nagmadali ako paakyat. tapos hinanap ko agad SIYA_ _ _. nakita ko naman SIYA_ _ _ agad kasi dahil dun sa buhok niya. nako eh noh. pero hindi ako tumabi sa kaniya. dun ako malayo-layo sa harap niya. nakinig na kami ng message. galing sa guess speaker, si pastor mike cariƱo. ang ganda talaga ng message. sobra. tungkol yun sa UNSHAKEABLE KINGDOM. basta ganun. astig nga daw. ang dami niya pang naikwento sa amin. natapos ang service at nilapitan ko agad si ate baby kaysa sa kaniya. syempre. namiss ko si ate baby. ang aking nanay. nag-usap sandali at tinuro ko SIYA_ _ _. yun. basta yun na yun. tapos bumaba na kami. pinapunta na kami sa masanga comp. para sa gathering. pumunta kami dun nang nakapayong kasi umaambon. kaming dalawa. tapos dun kami nag-lunch. pagkatapos ng lunch, binanggit niya sa akin yung sasabihin ko raw na importante. sabi ko sa church na lang namin pag-uusapan yun. kaya bumalik kami. humanap kami ng mauupuan at doon nag-usap. nilabas ko yung PDL ko. pinabasa ko sa kaniya yung tungkol sa covenant and PARTNERSHIP. tinanong ko SIYA_ _ _ kung pwede ko ba SIYAng kapartner sa pagbabasa nun. sabi ko rin dapat araw-araw. pumayag naman SIYA_ _ _. tinanong ko SIYA_ _ _ kung bakit SIYA_ _ _ pumayag. wala naman SIYAng maisagot. basta raw. wala lang. medyo tumagal din ang kwentuhan namin. napagkwentuhan namin yung tungkol kay clara. tapos natanong niya rin ako kung may nasabi ba daw sa akin si jonell. tinanong ko SIYA_ _ _ kung ano yun. ayaw niya namang sabihin sa akin. past is past na daw. nako. kay jonell sinabi niya tapos sa akin hindi. sabi ko sa kaniya feeling ko OTHERS talaga ako. kapag SIYA_ _ _ naman kasi ang nagtatanong sinasabi ko agad sa kaniya kahit ano. nako talaga. nayamot tuloy ako. magsisimula na dapat ang fellowship sa taas. nagulat nga ako kasi meron pa palang fellowship na kasunod ng service. eh mga past 2 na nun. kailangan niyang umuwi muna at pumunta ng church nila. nagpaalam na kami kay ate baby. hindi ko SIYA_ _ _ masyado pinapansin kasi yamot na talaga ako. sorry SIYA_ _ _ nang sorry pero parang wala lang sa akin. sabi ko naman hindi ako galit. pero sa loob loob ko lang yamot lang talaga ako. tapos yun. sumakay SIYA_ _ _ pauwi. ako naman bumalik sa church. nasa taas na ang lahat para sa fellowship. maganda ang naging fellowship. nagkaroon ng special nos. ang mga taga-PEC at CLF. pero ang mga taga presby wala. meron pala. last but the funniest special no. sila pastor popeng, ate may, kuya tim, ate fibis, at yung dalawa pang pastors from other churches at kasama ang kanilang mga asawa. naglip-sing lang naman sila dun na parang mga ewan. lupit nga eh. ako pa ang pumalit kay ate baby sa pagvivideo. yung na ang last na nangyari. natapos ang fellowship at bumaba para sa merienda. kumain lang naman kami ni max ng hotdog. tapos kumuha pa ko ng pansit. hindi lang isa, dalawa. nagutom ako ng sobra. ewan ko ba. tapos, nag-usap kami ni kuya fel. sinabi niya sa akin yung tampuhan nila ni max. so kinausap namin silang dalawa. depressed na nga kuya fel. pero ayaw pa rin makipag-usap ni max. mukhang hindi kaya. kaya yun. pinagpray na lang namin siya ni kuya popeng. 6 na nun. balak kong dumaan sa church nila SIYA_ _ _. nagpaalam na ko kanila ate baby at sa iba pa. nagchange-outfit pa ko bago pumunta dun. nung pagdating ko dun, nasalubong ko si ate dev. tinanong ko siya kung pauwi na ba siya. oo daw. tinanong ko kung nandon SIYA_ _ _. sabi niya, "bakit? sisilay ka pa?". nako. yun. nauna na rin siya at umuwi. umakyat ako. nakabihis SIYA_ _ _ para sa sayaw nila. lagi naman eh. nasanay na ako. nagpray pa sila at umupo muna ako. tapos para bang nagulat SIYA_ _ _ nung nakita niya ako. umupo SIYA_ _ _. tapos nagsorry ako. sabi ko alam kong para akong ewan kanina. nag-agree naman SIYA_ _ _. nainis din daw SIYA_ _ _ sa akin kasi hindi ko na naman daw SIYA_ _ _ pinansin katulad nung friday. sabi ko sorry talaga. haaay. pumunta lang talaga ako dun para magsorry sa kaniya. yun lang. hindi na rin ako masyado nagtagal dun. mag-uumpisa na kasi yung last service nila. nakakahiya naman kung aalis ako habang nagsisimula na. kaya yun. nagpaalam na ako. nag-byebye. ingat.
    dumiretso ako ng shop para tumingin. pero sandali lang yun. kailangan ko na kasing magpagupit. baka sitahin na naman kasi ako ni sir bernard. kaya yun. kainis. sobrang ikli ang ginupit sa akin. sabi ko lang naman clean cut. nako talaga. tapos, paglabas ko, bigla ba namang umulan. tyempo. tae. kaya hindi na ko nakabalik sa shop. sa bahay naman, nakitext ako sa ate ko. syempre sino pa ba ang itetext ko kundi SIYA_ _ _. tinanong ko kung anong oras na SIYA_ _ _ nakauwi. sabi niya mga 8:30 daw. tinanong niya din ako. sabi ko naman, pagkagaling ko sa church nila, umuwi na rin ako. kung anu-ano lang ang napag-usapan namin. may sinend pa SIYAng quotes sa akin na gumulo na naman sa isip ko. nako talaga. tinanong ko SIYA_ _ _ kung ano namang ibig sabihin nung mga yun. yun na daw yun. nako talaga oh. ewan ko ba. tapos tinanong ko din SIYA_ _ _ kung ano bang meaning ng LOVELOTS. hindi niya pa sasabihin kung hindi ko pa SIYA_ _ _ kinulit ng sobra. sabi niya, "short for LOTS OF LOVE FROM ME". nako talaga. waaaaaaaaaaaaaaaa na lang ako eh. ano namang ibig sabihin nun? haaay. tapos tinanong ko SIYA_ _ _ kung tapos na ba SIYA_ _ _ sa ginagawa niya. hindi pa pala. kaya yun. sabi ko tapusin niya na yun. nag-goodnight na ko.
    ewan ko ba. bakit akala ko mamalasin ako ngayon. una, akala ko hindi SIYA_ _ _ pupunta. SIYA_ _ _ pa pala ang maghihintay dun para sa akin. nako. tapos akala ko hindi SIYA_ _ _ papayag sa alok ko sa kaniya tungkol dun sa PDL. papayag naman pala. haay talaga! sarap mabuhay sa piling ni God. wow! alam ko gift Niya sa aking ito. sana more blessings pa ang dumating!
    glory to God!




    Connecting Histories

    Jukebox

    Playlist Dedicated to SHARYL

    Grandfather's clock


    Countdown Also For SHARYL