<body>
<body>

MR. BRIGHTSIDE


name:arvin jay manalo
birthday:08-11-90
age:15
sign:leo
likes:you
dislikes:you
ImgDump.net


LABYRINTH & ZEPHYR

for my birthday:
devotional notebook
poetry book
laptop
digicam
eyeglasses

for my life:
stronger faith
enlightment
spiritual growth

MEN & WOMEN & NATURE

Blog Visitors
  • arvin
  • (O_o)
  • jonell
  • paurong
  • jheanne
  • say you love me
  • efer
  • my hopes are so high
  • kevin
  • utakgago
  • ck
  • nerdy transformation
  • paeng
  • rewind to the past
  • junfestin
  • imagine life
  • akkhi
  • keep it down while i sleep
  • rin
  • blue phoenix
  • potpot
  • addicted to retro
  • sayote queen
  • ang blog ni sayote queen
  • czar
  • saving me from myself
  • cai
  • thoughts and feelings deep within me
  • mish
  • buhay soloista
  • mikmik
  • demolishers
  • yna
  • magbago ka na
  • jochie
  • adeek life
  • achoo
  • achoo's thinking aloud
  • yookay
  • meet u.k. the unknown
  • marhgil
  • kukote in a jar
  • kristine
  • ako at sila
  • vieira
  • clueless in her own world
  • pam
  • a butterfly spreads its wings

    CLOTHES BASKET

  • july my first blog


  • WHISPERS & ECHOES



    Friday, August 11, 2006

    YOU're the REASON WHY I'M HERE...hear my promises.




    [12:00 am]
    eto na pala ang araw na magdadagdag na naman ako ng isang taon sa edad ko. tumatanda na talaga ako. parang ayaw ko na gusto ko. basta ang gulo! una, ayaw ko, kasi, yung nga, tatanda na naman ako ng isang taon. goodbye na ko sa pagiging 15 ko. sa kabilang side naman, gusto ko pa rin. at least mababawasan na yung mahigit 3 years ko pang paghihintay. nako. para na tuloy akong bagong tao ngayon. gusto ko na talagang magbago. total transformation. gusto ko pang mapalapit kay God. at gusto ko na ring itama ang mga mali ko. madami-dami na rin yata yun. gusto ko na ring magsimula ng isang devotional notebook. mula 1st day ng pagiging 16 ko. maganda siguro yun. kaso hindi ko alam kung may magbibigay ba sa akin. gusto ko kasi may magbibigay. para maging tulong din yung taong yun para sa spiritual growth ko. nabanggit ko kasi kay ate baby na gusto ko ng nun. ewan ko lang talaga. edi kapag wala, bibili na lang ako. gusto ko rin bigyan SIYA_ _ _. yung sabay kaming magsisimula ng isang devotional notebook. gusto ko ring maging christian totally. as in totally talaga. makakatulong kasi yun para ma-achieve ko yung mga goals na iniisip ko ngayon pa lang. madami. isa na SIYA_ _ _ doon. basta marami. naiinis lang ako kasi mamaya may fellowship. hindi ako makakatugtuog ng special number namin. offer ko sana yun kay God kasi binigyan niya ko ng isang blessed na taon. bahala na. sana mag-work pa rin Siya mamaya tungkol doon. kung hindi man ako makakatugtog. ayos lang, alam ko naman will Niya pa rin yun. ibibigay ko na lahat sa Kaniya. i promise. 1st promise ko yan ngayong 16 na ako. balak ko ring magtestimonial mamaya kaso hindi ko naka-usap si sheila. gustung-gusto ko talaga. gsuto kong malaman nila kung paano ko nabago ni God at kung paano pa Niya ko napagbabago. tapos yung bible reading ko, gusto ko mang gawing daily, may mga hindrances pa rin. umulit na nga ako pero natigil na naman. kaya mamayang gabi, sisimulan ko agad at gagawing daily na talaga. oh,2nd promise ko na yan. makakailang promises kaya ako. ngayon pa lang ang damin ko nang naiisip. help and guidance Niya lang talaga ang kailangan ko. gusto ko rin sanang makapag-invite pa ng mga non-believers at mapaalam sa kanila ang tungkol sa salvation. ayaw ko rin naman na mawala sila sa akin. promise ko rin na makakapagdala pa ako sa Kaniya ng mga souls at makilala pa SIya. 3rd na yan. tama na muna yan. 3 promises muna for now. para lang kay God tutuparin ko yang mga promise kong yan para lang maipakita sa Kaniya na serious ako sa Kaniya. alam ko kasing serious Siya sa akin. sa ating lahat. pero hindi natin nanonotice yun. marealize sana natong lahat. sana. sana lang talaga.
    oh paano ba yan. huwag naman kayong mabibigla sa mga nabasa niyo. bagong arvin na yata ang may sabi nyan. bagong arvin spiritually. pero i'll allways be the arvin that you've all known. may konting difference nga lang yata. basta. kayo na ang bahalang humusga.
    glory to God!
    --------------------------------------------------------------
    MY MOST BLESSED DAY
    --------------------------------------------------------------
    nako. ang ang gandang simula sa pagiging 16 ko. late ako sa periodical test namin. nako. 7:45 na ako nagising. nagmadali ako para humabol sa test. 8:30 na yata ako nakarating, nasa rotonda pa lang. dapat talaga hindi na ako magtetake ng test. kaso nung dumaan ako ng presby, naalala ko yung promises ko. ayaw ko rin namang mawalan ng chance na makapagtest. pumasok pa rin ako. marami ang nagtinginan nang pumasok ako. kumuha ako nang test paper at nagsimula agad ng test. habang nagtetest ako, binati ako ni babes. siya yung unang-unang bumati sa akin sa araw na ito. wow naman. tapos sunod si myks. tapos si fame. tapos si tinay. tapos marami pang iba. tuwang-tuwa nga ako sa kanila. buti naalala nila birthday ko. kinausap naman ako nina jagmis, si paja, sir bernard at isa pang feeling involved na teacher. pagkatapos naman nun, nakatingala lang naman ako sa 5th floor. nakita ko na SIYA_ _ _ pero hindi ko tinagalan ang pagtingin. nakakangawit kasi. tapos niyaya ko si madi sa ministop. turn ko na kasing manlibre ng ice cream. kaya yun. nagburger muna kami bago mag-ice cream. tapos bumalik sa room. tumambay sandali sa amos nang bigla akong tawagin ni emong. may naghahanap daw sa akin sa labas ng gusali. SIYA_ _ _ pala yun. ginreet niya ako. kasama sina pia at jonell. tapos may inabot silang tatlong envelops sa akin. may kasama pang maliit na papel. pinapipili nila ako nung una at sabing sa bahay ko na raw basahin yun. kinuha ko sa kanila at dinala ko sa bandang batibot. doon, binasa ko. namili ako kung anong uunahin ko. yung arrangements nung mga letters, arrangement din ng pictures namin dito sa CORNERS OF MY LIPS. mula kay pia pataas. nako. ano namang ibig sabihin nun? huli ko pang napili yung letter ni SIYA_ _ _. aba! unang letter niya pala sa akin yun! kailangan pagkaingat-ingatan ko yun. syempre. pagtapos kung magbasa, bumalik na ako sa room. hinahanap ko sila. nasa likod ko lang pala. tae talaga yung mga yun. tae. tinanong ako ni SIYA_ _ _ kung anong masasabi ko. hindi naman ako makapagsalita. "wala lang. basta. yun na yun". sabi ko sa kaniya. parang naapektuhan ng mga sulat na yun ang utak ko. nako. ewan ko ba kung bakit wala akong masabi. umupo naman kami sa bench. kasama din si clara na galit na galit. naiinis daw sa akin. kasama din si renan. hindi ko pa rin pinansin si clara kahit siya na yung nag-approach sa akin at nagsorry. lumipat sila ng inuupan nang biglang umaraw. ako naman, bumalik sa room. ang init kasi. nagpapapaypay lang naman ako doon. at nagsulat sa board ng "Heroes are born, Not made". contradiction yan dun sa nabasa ko. tapos lumapit si jonell sa bintana. sabi niya, kung gaganyan lang daw ako, uuwi na lang daw SIYA_ _ _. kaya bumalik na ako. wala na rin naman si clara. sinabi ko sa kanila kung bakit ako nagkakaganon. badtrip lang talaga ako. kainis kasi eh. tae. habang naka-upo kami, dumaan sina maam arc at maam lising. nako. alam na. yun na nga. pinatawag SIYA_ _ _. naiwan kaming dalawa ni jonell dun. inaya ko siya sa room. natulog kami habang naghihintay sa kanilang 2. ang tagal din pala. nagising na kami at naghintay pa rin. pero wala pa ring pia at SIYA_ _ _ na dumadating. wala lang. para lang tumambay kami sa loob ng room. pumunta na lang kami ng presby. doon, ang dami na namang bumati sa akin. haay. ang sarap pala ng feeling ng maraming nagcacare. bingyan ako ni kuya pops ng PURPOSE DRIVEN LIFE. gift niya daw sa akin yun pero sana daw basahin ko talaga yun. sobra akong nagpasalamat sa kaniya. tapos si ate baby naman. dapat pahihiramin niya pa ako ng isa pang devotional material kaso sabi ko tatapusin ko muna yung PDL. nag-usap pa kami tungkol sa araw ko. tapos, nakigulo ako sa mga naggeguesstures. sina vieira, felis, kareen, carla at iba pa. para akong ewan doon nang bigla ba naman SIYAng dumating. tuloy pa rin ako kasi dumeretso sila sa cr. pero nung palabas na sila, tinanong ko si jonell kung uuwi na ba sila. oo daw. sinamahan ko sila hanggang sakayan. nagsorry ako sa kaniya. para kasing nabadtrip SIYA_ _ _ sa akin. sobrang nalungkot ako nung pauwi na SiYA_ _ _. kasalanan ko din naman. haaay. parang nawalan ako ng gana. bumalik kami sa presby nung makasakay na sila. pagdating namin, paumpisa na pala ang fellowship. umakyat na kami. nag-aayos na sa taas ang praise and worship ng PEC (Pateros Evangelical Church). tapos nagspecial no. sila. nako. para ngang concert. ngalay na nga ako kakatayo. lupit din nung drummer nila. halimaw. bigla namang inacknowledge yung mga may birthdays. si ate zen din pala. birthday niya nung 9. tapos may binigay sila sa akin na folder. may portrait ko ba naman. nako. tapos may mga messages nila. ang sweet naman nila. tapos nag message na si kuya timmy. ang ganda ng message ngayon. tungkol sa WILL of GOD. nagbreak-out group pagkatapos ng message. magkakagroup kami nina julian, max at renan. galing maglead ni renan. ako din ang pinag-closing prayer niya. tapos, nagclosing song ang praise and worship ng presby. binack-upan ko naman si kya andy sa pagkanta ng 2 praises.
    natapos ang fellowship at bumaba na kami. sa baba, marami pa ring bumati sa akin. haaay. ang saya talaga. binasa din namin ni ate baby yung mga messages nila. tinira ko na lang na unread ay yung message sa akin ni ate baby. sabi ko sa kaniya, sobrang saya ko ngayon. happiest birthday ko na ito ever. sobra talaga ang naramdaman ko. umaapaw sa blessing ang araw na ito.
    nagpaalam na kami sa kanila pagkatapos ang pagkatagal-tagal na paghihintay para tumila ang ulan at makauwi na.
    haaay! unforgettable talaga ang birthday ko ngayon. sobra. una, akala ko masisira na ang araw ko kasi mukhang nagalit nga SIYA_ _ _ sa akin. dahil sa inasal ko simula pa lang ng araw. gusto ko SIYAng kausapin bukas. babawi ako sa kaniya. napasaya niya ako ng sobra. pati sina jonell at pia.
    salamat sa mga naging part ng birthday ko. salamat talaga! sa mga classmates ko. sa mga katropa ko. at lalong-lalo na sa presby family ko. salamat talaga! alam niyo namang naappreciate ko ang lahat ng ginawa niyo. salamat uli! napasaya niyo ang birthday ko! mahal na mahal ko kayo!
    ( lovelots....what's with this? pwede bang malaman ang meaning nito?)




    Connecting Histories

    Jukebox

    Playlist Dedicated to SHARYL

    Grandfather's clock


    Countdown Also For SHARYL