<body>
<body>

MR. BRIGHTSIDE


name:arvin jay manalo
birthday:08-11-90
age:15
sign:leo
likes:you
dislikes:you
ImgDump.net


LABYRINTH & ZEPHYR

for my birthday:
devotional notebook
poetry book
laptop
digicam
eyeglasses

for my life:
stronger faith
enlightment
spiritual growth

MEN & WOMEN & NATURE

Blog Visitors
  • arvin
  • (O_o)
  • jonell
  • paurong
  • jheanne
  • say you love me
  • efer
  • my hopes are so high
  • kevin
  • utakgago
  • ck
  • nerdy transformation
  • paeng
  • rewind to the past
  • junfestin
  • imagine life
  • akkhi
  • keep it down while i sleep
  • rin
  • blue phoenix
  • potpot
  • addicted to retro
  • sayote queen
  • ang blog ni sayote queen
  • czar
  • saving me from myself
  • cai
  • thoughts and feelings deep within me
  • mish
  • buhay soloista
  • mikmik
  • demolishers
  • yna
  • magbago ka na
  • jochie
  • adeek life
  • achoo
  • achoo's thinking aloud
  • yookay
  • meet u.k. the unknown
  • marhgil
  • kukote in a jar
  • kristine
  • ako at sila
  • vieira
  • clueless in her own world
  • pam
  • a butterfly spreads its wings

    CLOTHES BASKET

  • july my first blog


  • WHISPERS & ECHOES



    Saturday, August 19, 2006

    experience costs a lot

    [other entries]
    mag-aalas -dos na nang makatugtog ang ate kong magaling! kumusta naman ang pagiging last? at pagiging pang 16th? nagulat siguro silang tatlo sa napanood nila. gusto kasi talaga nilang panoorin ang ate ko kaya siguro naghintay pa talaga sila. parang patay na bata lang naman ang ate ko. nagwawala sa kantang PAPA DON'T PREACH. nako. talaga lang! nako. nawindang ako sa mga pinagagagawa ng ate ko doon. pinanood din naming kumanta yung isa pa nilang vocalist. tapos nagmadali na silang umuwi. hinatid namin ni rovey SIYA_ _ _ at si ate dev. syempre. hindi naman pwedeng hindi. halos tumakbo na talaga kami sa pagmamadali. nako. tapos yun. nung nasa kanila na kami, naghiwahiwalay na kami. nagpaalam. ingat. ako naman, nag goodnight pa. nako. wala lang. ganon pa rin. sinamahan ko pa si rovey hanggang pag-asa. buti naman at may tricycle na doon. sumakay siya at gayundin ako.
    habang nasa jeep, naisip ko kung anong mangyayari sa kanila. malamang papagalitan sila. nako. dahil pa sa akin. huwag naman sana. waaaaaaaaa. bahala na. pray na lang.
    dumiretso ako ng shop. alas-dos na. wala lang naman. nakitulog lang naman ako ng 1 oras. tapos umuwi na kasi pagod na pagod na ako. natulog. mahimbing.
    [entry]
    11 ako nagising. nako. dapat pala pupunta ako sa school ng 8 para manood ng laro. nagsabi pa naman ako kay maam lising. waaaaaaa. ano ba yan! naalala kong may lakad pa pala kami. pinuntahan ko yung kabrad ko para magtanong kung tuloy ba kami o hindi. pinuntahan pa namin ang iba. kaso 4 lang kaming lumakad. grabe. ang talga ng byahe. at ang mahal ng pamasahe. pababa-baba pa kami. 12 kami umalis at 2 kami nakarating. tae. pagdating namin sa intramuros, wala kaming nakitang kakilala namin. naghintay kami dun ng sandali at buti naman ay may dumating. hindi namin alam na may entrance fee pala. 40. pero kapag may id, 15 lang. eh walang may dalang id sa aming 4 kaya pasimple kaming nanghiram sa mga kabrad namin. yun. pumasok kami. una pa lang, sabik na kong libutin ang lugar. tagal na rin kasi nung huli akong makapunta doon. nagmeeting na kami. umabot ng 3 oras. marami ang napag-usapan namin. mga projects this coming october. inip na inip na ko. kaya pagkatapos nun, inaya ko na yung mga kasama ko na gumala. para lang kaming mga ewan doon sa pagkuha ng mga pictures. ang dami. halos lahat ng square meters ng intramuros ay naapakan namin. nako. tapos napadaan kami sa souvenir shop kaya tumingin ako. balak ko naman talagang bumili ng memorabilia para sa akin at para rin kay SIYA_ _ _. yun. nakahanap naman ako. nag-aya na silang umuwi. ako naman, parang gusto ko pang magpa-iwan doon. iniisip ko kasi kung kasama ko SIYA_ _ _ doon. mas maaappreciate ko ang ganda ng lugar. gusto ko sanang bumalik doon kasama SIYA_ _ _. umuwi kami mga 6 na. dumaan pa kami ng quiapo para lang magfoodtrip. tapos inabutan kami ng ulan. dumaan kami ng underpass at sumakay pauwi. sa jeep, natulog ako habang pinakikinggan ang PWEDE BA. hindi talaga mawala sa aking ang kantang yun. kakaiba na. paulit-ulit lang ang kantang yun sa isip ko. akmang-akma nga naman. 8 na kami nakarating sa pasig. kung hindi pa nila ako ginising.
    dumiretso kami sa birthday ng kaibigan namin. buti naman at makakakain na kami. naubos kasi ang pera namin sa pamasahe pa lang. lalo na ako. yung 350 ko,100 na lang ang natira. pero hindi ako nanghihinayan. experience costs a lot nga. minsan kailangang gamitin ang bulsa para may maranasan. totoo naman diba? saka may binili naman kasi akong souvenir kaya ganon. nalagas ang pera ko.
    hayaan ko na lang yun. wala lang yun. ang mabuti, may bagong experience na naman akong naexperiece.




    Connecting Histories

    Jukebox

    Playlist Dedicated to SHARYL

    Grandfather's clock


    Countdown Also For SHARYL