<body>
<body>

MR. BRIGHTSIDE


name:arvin jay manalo
birthday:08-11-90
age:15
sign:leo
likes:you
dislikes:you
ImgDump.net


LABYRINTH & ZEPHYR

for my birthday:
devotional notebook
poetry book
laptop
digicam
eyeglasses

for my life:
stronger faith
enlightment
spiritual growth

MEN & WOMEN & NATURE

Blog Visitors
  • arvin
  • (O_o)
  • jonell
  • paurong
  • jheanne
  • say you love me
  • efer
  • my hopes are so high
  • kevin
  • utakgago
  • ck
  • nerdy transformation
  • paeng
  • rewind to the past
  • junfestin
  • imagine life
  • akkhi
  • keep it down while i sleep
  • rin
  • blue phoenix
  • potpot
  • addicted to retro
  • sayote queen
  • ang blog ni sayote queen
  • czar
  • saving me from myself
  • cai
  • thoughts and feelings deep within me
  • mish
  • buhay soloista
  • mikmik
  • demolishers
  • yna
  • magbago ka na
  • jochie
  • adeek life
  • achoo
  • achoo's thinking aloud
  • yookay
  • meet u.k. the unknown
  • marhgil
  • kukote in a jar
  • kristine
  • ako at sila
  • vieira
  • clueless in her own world
  • pam
  • a butterfly spreads its wings

    CLOTHES BASKET

  • july my first blog


  • WHISPERS & ECHOES



    Wednesday, August 23, 2006

    down the pride

    [entry]
    pagpasok pa lang ay dumiretso na ko sa gym. intrams na naman kasi. championship na. ganon pa rin. wala na naman akong nadatnan sa gym. dumaan na naman ako sa room namin. nagtanong tanong na naman sila tungkol sa laro namin. nakisabay ako sa iba kong team mates sa pagbalik sa gym. hinintay naming magsimula. 2nd game pa pala kami. pinatapos muna namin ang game ng mga girls. ang gulo talaga kapag laro na ng mga babae. parang agawang buko lang. 3rd quarter pa lang nagbihis na kami. nung papasok na kami sa court, maraming pumansin sa amin. mahirap na nga ang makasali sa intrams. hindi naman sa nagmamayabang, pero madami ang humahanga. karamihan nga lang ay mga bading, nyaks. yun. kami na naglaro. kalaban namin ang 1st year. adik. anggagaling. tapos habang naglalaro na kami, nkakita ko na naghihintay na sa akin ang mga foster parents ko. kakausapin na kasi nila ang mga teachers ko. pinapunta ko na lang sila sa room namin. hindi kasi ako pwedeng umalis na lang. yun. tuloy sa laro. mas nahirapan pa kami sa kanila kesa sa mga 3rd year. totoo lang. may 6 footer ba naman sila. nako. buti na lang at nagawan ng paraan. akala namin masusungkit pa sa amin ang panalo. 4 nga lang ang lamang namin sa kanila. hindi katulad sa 3rd year. tambak. nakakapagod. pagkatapos nun pinaglunch muna kami at bumalik na lang daw pagkatapos. kumain nga ako. bumalik. pero wala pa sila. maaga ako nagbihis. bakit? natulog kasi ako sa stage. hahahah. sa stage talaga. humilata lang naman ako doon at hinintay silang dumating. pinatapos uli namin ang ibang game bago kami. 2nd to the last game naman kami ngayon. yun. 2nd year naman ang kalaban namin. hinihintay ko ring makalaban yung isa sa mga sophomores. kapatid ni angge. hindi ko naman nakalaro kasi hindi kami nagkasabay na pinasok. tae. naging maganda ang laban. hindi ko na alam kung ilan ang lamang namin basta nanalo kami. champion na kami. wow naman! ngayon lang talaga ako nag-ayos ng laro ko. soya nga at naging 1st five ako sa line-up namin. last five pa! naice talaga ang laban. pagkatapos nun, nagpalit na kami at bumalik sa room. maraming nangonggrats sa amin. wow ulit. tapos naalala ko na dapat pala kausapin ko na SIYA_ _ _. kailangan na naming maayos ang problema namin. pumunta ako ng gym. practice p a kasi nila. hinintay ko pa rin SIYA_ _ _. halos matulog na ko sa paghihintay kasi wala pa rin akong tulog. nung natapos naman sila, hinintay ko pa SIYAng magbihis. unang lumabas si rovie. yun nga. sinabihan niya ulit ako. oo na nga. kinausap ko SIYA_ _ _. "ui ano na?". "kumusta naman yun?". lines na niya talaga yun. eh may mga dumating na mga kapep niya, kinausap niya. ako naman, lumabas. hinintay pa rin SIYA_ _ _ . akala niya siguro umuwi na ko kasi nakaharang sa akin yung malaking pumo sa labas ng gym. nasa dilim pa ako. pero nakita niya naman ako. nag-usap na kami. nagsorry ako sa kaniya. yun naman ang lagi kong linya kapag may nangyayari sa aming ganito eh. mas masaklap lang siguro yung ngayon. nagsorry din SIYA_ _ _ sa akin. haaay. pareho lang ba kaming mali? ewan. basta yun na yun. sarap pala kapag ganito. yung malalim ang pag-uusap. pinag-usapan namin yung kinainisan ko sa kaniya. ayaw niya lang yata ko pag-alalahanin tungkol sa mama niya. sabi niya ganon lang talaga yun kapag nabigla. nagpumilit lang daw talaga SIYA_ _ _ kaya sila napagalitan. kaso yung papa niya. yun daw ang nagalit. nako. deds. pero huwag ko raw isipin yun. o sige. sabi niya eh. tapos umuwi na si rovie. pupunta pala SIYA_ _ _ sa church nila. habang naghihintay kami ng jeep na pagkatagal-tagal. nabalik kami dun sa ugali niya na pinatatagal pa niya yung mga dapat niyang sabihin sa akin. tinanong ko SIYA_ _ _, "PWEDE BA alisin na natin yung "wala lang" saka "yun na yun"?" . bigla SIYAng sumagot, nagulat ako sa sagot niya, "PWEDE!" nako. hindi ko alam na ganon pala yung natanong ko. may PWEDE BA kasi eh. haay nako. buti na lang pumayag SIYA_ _ _. saya! sabi ko mas maganda kasi yung wala na kaming tinatago sa isa't isa. yun. naghihintay pa rin kami ng masasakyan nang biglang dumating ang mga former students nila maam arc at maam lising. huling-huli daw kami sa spy camera. nakita din kami nina maams. nako. akala ko sisitahin kami. nginitian ba naman kami. at nag-bye bye pa sa amin. ewan ko ba. pero okay lang. yun. nakasakay na kami. nagkwentuhan pa rin kami sa jeep. binasa ko yung portfolio niya. nalaman ko na sa davao pa pala SIYA_ _ _ pinanganak. waaaaaaa. nung grade 1 lang daw SIYA_ _ _ dito sa pasig. basta ganun. nagulat talaga ako. niyaya pa niya akong umattend ng bible study kaso sabi ko hindi na lang. kailangan ko na yatang magpahinga. kaya yun. bumaba na SIYA_ _ _ sa kapasigan. nagpaalam.....
    [other entries]
    wala lang. hindi ko rin nagawang magpahinga. nag-online ako. nadatnan ko si rovie. nagkwento kung anong nangyari. nag-out. tapos nag-online uli ako. nadatnan ko naman SIYA_ _ _. gabi na naman. sabi niya sa akin nawala daw ang cellphone niya.waaaaaaaaa. sabi niya sa comp. room daw nila naiwan. kaya nagpapasama SIYA_ _ _ sa akin bukas ng maaga. 6 daw ba 0 6:30. biniro ko pa SIYA_ _ _ na 4 na lang. nako. tinanong ko SIYA_ _ _ kung bakit pa SIYA_ _ _ nag-online, may nireresearch pala ang ate niya. kasama niya pala si ate dev. nako. sabi ko pa kailangan niyang mabasa ang blog ko. congrats daw. nako. yung tungkol pala kay maan ang nabasa nila. waaaaaaa. sabi ko yung enrty ko nung linggo.yun. binasa niya. yun. nagpatulong din SIYA_ _ _ sa aking sa nireresearch ni ate dev. yun. hinanap ko. tapos may pinapataning daw si ate dev. "kung umaasa ka ba daw na sasagutin kita?" nako. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa na lang ako eh. kakawindang. tinanong ko kung anong ibigsabihin naman nun. yun. sabi ko rin, "akala ko ba bawal manligaw". nakalagay daw sa blog ko pero hindi raw nila mahanap. nako talaga. mag-oout na sila kaya tinanong niya ulit kung anong oras daw ba. 6:30 na lang daw. yun.
    medyo nawindang lang naman ako sa chat naming yun. haay nako talaga si ate dev. adik.
    ge na. matutulog pa kaya ako?
    [stolen shots]







    Connecting Histories

    Jukebox

    Playlist Dedicated to SHARYL

    Grandfather's clock


    Countdown Also For SHARYL