<body>
<body>

MR. BRIGHTSIDE


name:arvin jay manalo
birthday:08-11-90
age:15
sign:leo
likes:you
dislikes:you
ImgDump.net


LABYRINTH & ZEPHYR

for my birthday:
devotional notebook
poetry book
laptop
digicam
eyeglasses

for my life:
stronger faith
enlightment
spiritual growth

MEN & WOMEN & NATURE

Blog Visitors
  • arvin
  • (O_o)
  • jonell
  • paurong
  • jheanne
  • say you love me
  • efer
  • my hopes are so high
  • kevin
  • utakgago
  • ck
  • nerdy transformation
  • paeng
  • rewind to the past
  • junfestin
  • imagine life
  • akkhi
  • keep it down while i sleep
  • rin
  • blue phoenix
  • potpot
  • addicted to retro
  • sayote queen
  • ang blog ni sayote queen
  • czar
  • saving me from myself
  • cai
  • thoughts and feelings deep within me
  • mish
  • buhay soloista
  • mikmik
  • demolishers
  • yna
  • magbago ka na
  • jochie
  • adeek life
  • achoo
  • achoo's thinking aloud
  • yookay
  • meet u.k. the unknown
  • marhgil
  • kukote in a jar
  • kristine
  • ako at sila
  • vieira
  • clueless in her own world
  • pam
  • a butterfly spreads its wings

    CLOTHES BASKET

  • july my first blog


  • WHISPERS & ECHOES



    Sunday, August 20, 2006

    i got dust-covered brain

    etanghali na naman ako nagising. hindi ako nakaattend ng service sa presby. nako. lagot ako kay ate baby. 3 pm, pumunta ako ng church nila SIYA_ _ _. late ako. praise and worship na nung dumating ako. nakita niya akong pumasok. ewan ko lang kung anong iniisip niya. alam ko meron. sa mga tingin niya kasi. hinintay kong matapos yun at lumapit SIYA_ _ _. nakiupo. nandoon pala yung dati niyang ka pep. waaaa. nagulat ako. nakinig na kami ng message. tapos pinagpray ng sinners prayer yung mga bagong attendees. syempre nandoon yung ej. pati nga si rovie nakasama sa mga pinagpray. pagkatapos nun, umupo pa kami doon. nagkwentuhan kami ni rovie tungkol kay SIYA_ _ _. lagi naman SIYA_ _ _ yung topic namin kapag nag-uusap kami. SIYA_ _ _ naman, kausap yung ej saka yung isa pang kasama nun. medyo mahaba din ang pag-uusap namin ni rovie. tapos may nabanggit siya sa akin. tungkol sa kung anong nangyari sa kanila pag-uwi namin nung friday, galing sa gig. sabi niya bahala na raw SIYA_ _ _ na magsabi sa akin pero hindi niya pa rin naiwasang ikwento sa akin yun. sabi niya na napagalitan daw SIYA_ _ _ at si ate dev. may idea na ako nung una kung ano yun eh. hindi na ako nagulat. sobrang naguilty ako. dahil sa akin, napagalitan pa sila. pinagtalunan pa namin kung sino ba ang may kasalanan. inaako ko na nga pero hindi siya sang-ayon sa akin. sabi niya may kasalana din naman daw SIYA_ _ _ kasi nagpumilit SIYA_ _ _ kasi gusto niya rin daw naman. pero guilty pa rin ako. kung hindi lang dahil sa ate ko na hinintay pa nila edi sana hindi magkakaganon. sabi pa ni rovie na mas mabuti daw na kausapin ko ang mama nila at magpaliwanag ako. nako. sabi ko si ate dev muna bago mama nila. tapos naalala ko na aattend pala ang mama nila sa 4th service, kasunod ng inattendan namin. inaya ko na SIYA_ _ _ umuwi. walang paapaalam kay SIYA_ _ _. lumabas kami ng church nila. basta. wala na kong sinabi sa kaniya nung lumabas ako. paglabas namin ni rovie, tinanong ko siya kung saan na siya pupunta. wala naman daw kaya inaya ko siyang magkape sa 7-11. kaya yun. nagcapuccino kami at nagkwentuhan pa. parang hindi maubos yung pinag-uusapan namin kahit paulit-ulit lang. nabanggit ko din sa kaniya na medyo naiinis na ko kay SIYA_ _ _. kasi nga pinatatagal niya palagi yung mga dapat niyang sabihin at dapat kong malaman. mas nagiging komplikado tuloy. yun. nagbalak pa kami kung ano ba talaga ang gagawin ko. tutulungan niya raw ako. haaaay. hindi ko talaga alam ang gagawin. paulit-ulit kong sinabi sa kaniya yun. dumating din yung usapan namin sa kung may nararamdaman ba SIYA_ _ _ sa akin. sabi niya, hindi naman daw magiging ganon yung treatment ni SIYA_ _ _ sa akin kung wala. eh sabi ko, hindi ko naman matatanong kay SIYA_ _ _ yun kasi baka mailang lang kami sa isa't isa kapag pinag-usapan namin yun. sabi niya, tingnan ko na lang daw kung ano yung mararamdaman ko. saka action speaks louder than words naman daw. oo nga naman. tama. natapos yung kwentuhan namin nung nag-cr kami sa jollibee. hanggang doon nga yun at yun pa rin ang pinag-uusapan namin. tapos umuwi na kami.
    haay nako. gulong gulo na talaga ang isip ko. hindi ko alam ang maaaring mangyari ngayon, bukas at sa mga susunod pang mga araw. ewan ko ba. ganito ba talaga kapag.....?
    tapos, nung nasa shop na ako, nag-online ako. chineck ko ang friendster ko. nakita kong may new messages. tiningnan ko. may message si kristine ('-eksinportin-). pero mukhang may nagbasa na. siguro binuksan niya ang account ko at binasa niya ang sarili niyang message. alam niya kasi ang password ko sa friendster. curious ako sa title pa lang... "sana mabasa mo". hhhmm. nagulat ako sa nilalaman. ito:

    From:
    '-eksinportin-
    Date:
    Sunday, 20 August, 2006 3:49 PM
    Subject:
    sana mabasa

    Message:
    wala lang, sa totoo lang, ...namiss ko lng 2.kso ndi n pwede noh?hehehehe, okay lng...masaya n nmn tau parehas..masaya nga b?hehehe, syempre ikaw.ndi mo mn lng cnb skn n august 14 pla kau ni maan....(-_-)auko ng mga nangyayari...maxado kng mailap...(shockz, maxadong mailaP? prang lion...sbgay leo k nmn db? hehehe,....ngiti k n..)nalulungkot lng ako, ksi prng nauwi lng s wala ung mga nangyari stn dati...sorry s mga ngwa kong ndi mgnda bgo matapos 2...please don't have ill feelings for me..thankyou ulit...ai sorry pla, ksi ngaun lng ako nag-kalakas loob n mag-sorry...tzztttt....friends???PLEASE???cge na...PLEASE?belated nga pla...ang sama mo..wala lng....ndi mo mn lng naalala n dapat 15 n ko nung august 11...kunsbgay, mas mbgat ung nangyri senyo ni maan ksi ngng kau...hay nku...d p rn ngbbgo...ui...FRIENDS n tau hah!!!!ui, wak mo nmn ipbsa s iba ung mga sulat at ung ibang chuva ko dti...ano ka ba!!!cge n...friends n tau hah...wag k ng 2manggi....naasar ako sau! ang ilap mo!ikaw p nga 2ng nagsasabi jan n umpisahan n ang dpt umpisahan....NAUNAHAn p kta...tzttt....hay pano b yn...start of something new n tlaga....FRIENDS!!!!
    at kumusta naman yun? anong ibig sabihin nito? gulong gulo na nga ako dinagdagan pa ng annoying message na ito. waaaaaaaaaaaaaaa. nireplyan ko. may title na sana maisip mo na ginulo mo lang ako dahil dito. yun. nakakainis. kung kailan pang may pinoproblema ako saka pa nakigulo. naiinis ako sa kaniya. tae.




    Connecting Histories

    Jukebox

    Playlist Dedicated to SHARYL

    Grandfather's clock


    Countdown Also For SHARYL